Sa buhay natin na puno ng mga pahirap at pasakit, nagsisilbing gabay ang mga salawikain. Tila mga bitwing kahit matagal nang narito, patuloy pa rin silang nagbibigay ilaw sa ating mundong madilim.
{tocify} $title={Table of Contents}
Maliban sa pagpapaliwanag ng kahulugan at kasaysayan ng mga salawikain, tinalakay din ang mga halimbawa nito upang mas lalong maunawaan ng bawat mambabasa ang mga mensaheng nais iparating. Ang mga aral na matututunan mula rito ay ibinahagi rin upang magsilbing gabay, lalo na sa mga kabataan, sa kanilang paghubog ng magandang pananaw sa buhay.
Ano ang salawikain?
Ang salawikain ay mga maiiksing pangungusap pero naglalaman ng mga makabuluhang aral na magagamit ng bawat tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. May dala itong patnubay at gabay sa atin.
Ito ay karaniwang binubuo ng mga pangungusap na nakangkla sa mga bagay na napagdaanan na ng mga tao at mga bagay na nagpamulat sa realisasyon kung kaya't ginawang halimbawa para maging gabay sa iba.
Sa wikang Tagalog, ang salawikain ay mga pahayag na kadalasang inihahambing sa kasabihan. Madalas nating marinig ang mga ito mula sa mga taong sumasali sa mga TV shows o 'di kaya sa mga pageant.
Sa ibang wika o dayalekto, Ang salawikain ay tinatawag din na:
pagsasao sa Ilokano;aramiga o sasabihan sa Bicol;panultihon sa Sebwano;kasebian sa Pampango;salawikain, sawikain, o kasabihan sa Tagalog;unoni sa Ibanag;pananahan sa Ivatan;basahan sa Bukidnon;panonggelengan sa Manobo; atpananaroon sa Maranao.
Ang Kasaysayan ng Salawikain
Mahalaga ang mga salawikain sa ating kultura dahil ipinapakita ng mga ito ang ating malalim na pagpapahalaga sa mga tradisyon at karanasan sa buhay. Mula noon hanggang ngayon at maging sa mga susunod pang henerasyon, ang mga ito ay ay patuloy na magbibigay patnubay at gabay sa bawat Pilipino.
Kung ito ay ating papaikliin, nais nitong sabihin sa atin na ang mga pinagsama-samang karanasan ng ating mga ninuno at ang pagiging malikahain nating mga Pilipino, nabuo ang mga tinatawag natin ngayon na salawikain.
Ang Layunin ng Salawikain
Madalas nating marinig na ang mga salawikain ay nagbibigay-aral at gabay sa atin. Maliban dito, ang ilan pa sa mga mahahalagang bagay at layunin nito ay mababasa sa mga susunod na talata.
- Sa Pamilya
Layunin ng salawikain na maghatid ng aral at ipaunawa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng masigla at matiwasay na pamilya upang mas lalong mapagbuklod-buklod ang bawat miyembro.
- Sa Pag-ibig at Romantikong Relasyon
Layunin rin ng salawikain na magbigay ng mga payo at aral tungkol sa pag-ibig at romantikong mga relasyon upang mapalalim ang pag-intindi at pagmamahal natin.
- Sa mga Ambisyon at Nais Marating
Ang salawikain ay naglalayong gabayan ang mga tao sa tama't wastong pagkilos sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Kagaya na lamang ng pag-iipon para sa ating kinabukasan. Hangga't mas maaga, mas mabuti.
- Sa Pakikipagkaibigan at Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
Ang mga salawikain rin ay may layuning magbigay-gabay para magkaroon ng kaalaman tungkol sa tamang asal, pag-uugali, at pakikisama sa kapwa. Ito'y naglalayong itanim sa ating isipan na iwasan ang paggamit ng iba para sa pansariling kapakinabangan.
- Sa Panitikan
Ang mga salawikain ay karaniwan ding ginagamit sa panitikan upang ipahayag ang mga kaugalian at tradisyon nating mga Pilipino. Isa ito sa mga paraan upang maipakita ang kahalagahan ng mga saloobin at paniniwala sa kasaysayan ng bansa. Mas lalo itong nagiging epektibo sa mga mambabasa dahil mas nagkakaroon ng kulay ang mga linyahan ng mga karakter kagaya sa mga kwento, o nang iba pang uri ng panitikan.
Mga Halimbawa ng Salawikain
1. Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan

Nais ihatid ng salawikaing ito sa atin na ang kaibigang tapat at totoo ay mananatili sa ating tabi kahit pa ikaw ay gipit o nasa matinding pangangailangan.
Sa panahon ngayon, maraming tao kasi ang kakaibiganin ka lang kapag may kailangan sila pero hindi na sila mahagilap kung ikaw na naman 'yung nangailangan. Kaya tandaan na ang tunay na kaiibigan ay may malasakit at handang iyalok ang kamay para tulungan ka.
2. Kung may tiyaga, may nilaga.
.png)
3. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.
.png)
Bagama't hindi masamang matuto ng mga wikang banyaga, dapat pa ring itanim sa puso't isipan na nirerepresenta ng sarili nating wika ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. May ilan kasi sa atin ang tila ba mas maalam pang magsalita gamit ang ibang wika kung kaya't minsan naiihalintulad ito sa isdang may masangsang na amoy. Sa madaling salita, mahalin muna ang sariling atin bago tangkilikin ang iba.
4. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
.png)
Sinasabi ng salawikain na kung ikaw ay magastos baka hindi mo mamalayang ubos na pala ang perang meron ka.
Hindi naman masamang bumili ng mga bagay-bagay o di kaya'y gamitin ang pera sa mga bagay na nagbibigay saya sa atin basta't huwag lamang sumobra dahil baka mapakamot na lang tayo ng ulo kapag wala na tayong mahuhugot sa bulsa.
Minsan nga ay mas mabuti pang sabihan ka na kuripot kaysa naman sa mapagbigay nga pero wala namang naiipon para sa sarili, pamilya, at kinabukasan.
5. Pag di ukol ay hindi bubukol.
.png)
Ayon dito, kapag ang isang bagay ay talagang nakalaan sa'yo, mangyayari't mangyayari ito. Ngunit kung ang isang bagay ay talagang mailap, baka hindi 'yun para sa'yo.
Gayunpaman, huwag panghinaan ng loob dahil merong mas mabuti na siyang inilaan ng Panginoon para sa'yo.
6. Ang taong gipit, sa patalim kumakapit.
.png)
Dahil sa kagipitan, minsan napapakapit na lang tayo sa mga bagay na hindi naman talaga natin gustong gawin pero wala tayong choice dahil nandoon na.
Gayunpaman, hangga't maari ay piliin pa rin nating gawin kung ano ang mas nakakabuti sa atin.
7. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
![]() |
Nais iparating ng salawikain na ito na ang mga nakagisnang katangian mula pagkabata ay madadala mo pa rin hanggang sa ikaw ay tumanda. Kaya sa murang edad pa lamang ay kailangan na nating turuan ng wasto at tama para lumaki ang mga kabataan na may tamang disiplina.
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
"Aral ay gawing tulay tungo sa matiwasay na buhay"
Kailangan nating magsipag sa pag-aaral sapagkat hindi lang tayo natututo dito; ito rin ay isang daan upang maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay.
"Hindi halaman, maraming dahon. Ang ibinubunga ay dunong"
Ang ibig sabihin naman nito ay aklat sapagkat ang isang aklat ay hindi halaman ngunit maraming pahina at alam naman natin na ang mga libro ay nagbibigay ng impormasyon sa atin.
"Magsunog ng kilay"
Ang gustong ipahiwatig nito ay kailangan nating maging masipag at determinado sa ating pag-aaral upang magkaroon ng magagandang marka at para maabot natin ang ating mga minimithi.
8. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan.

Saan man tayo mapadpad sa hinaharap, matuto pa rin tayong lumingon kung saan tayo nagsimula. Huwag magmatas at mas lalong huwag kalimutan ang mga bagay na siyang naging dahilan kung bakit nakamit natin kung anuman ang meron tayo ngayon.
9. Kung may isinuksok, may madudukot.

Simple lamang ang nais ihatid ng salawikain ito at ito ay ang pagiging masinop.
Kahit gaano kalaki o kaliit ang perang natatanggap natin sa ating trabaho, matuto paring magtabi ng pera na pwede nating magamit sa mga panahong kakailanganin natin ito.
10. Ang sakit sa kalingkingan, randam ng buong katawan.

Kahit gaano kaliit ang isang bagay kung ito'y konektado sa mas malaking bagay, magdudulot ito ng malaking epekto. Kaya huwag sana nating babalewalain ang maliliit na bagay gaya na lamang ng sa ating katawan at kalusugan dahil baka iyo pa ang magdudulot sa atin ng mas malaking problema.
11. Ang bawang sa tagiliran, iwas sa dila.

Bagama't hindi ito madalas marinig dahil sa kakaibang pagkakalahad, nais nitong ipahiwatig na mas mabuting manahimik na lang kaysa magsalita ng mga bagay na maaaring makapagdulot ng hindi magandang epekto o gulo.
Kumbaga sa Ingles, nais nitong sabihin na think before you speak.
12. Walang matigas na tinapay sa gutom na tiyan.

Sa panahong walang makain at sobrang gutom na, natututo tayong maghanap nang kung anong meron para lamang magkaroon ang tiyan.
Pangwakas
Sa kabuuan, malaki at malalim ang kahalagahan ng mga salawikain sa ating buhay. Hindi lamang ito nagsisilbing tagapagdala ng karunungan, mga aral, at karanasan ng mga naunang henerasyon, kundi patuloy din itong nagbibigay-gabay sa atin sa pagharap sa mga pagsubok at hamon ng buhay.
Upang tayo'y magabayan sa ating mga desisyon, pag-aasal, at pakikisama sa kapwa, patuloy nating itanim sa ating isipan ang mga aral na dulot ng mga salawikain. Atin pa itong payabungin at ipasa sa mga susunod pang henerasyon.
0 Mga Komento