Ang Ibong Adarna, Mga Tauhan sa Kwento, at Mga Katangian ng Bawat Isa

Ang Ibong Adarna ay isa sa mga pinakatanyag na obra sa mundo ng panitikan. Isinasalaysay dito ang isang kwento na puno ng hiwaga, pag-ibig, sakripisyo, maging ang kasamaan at kabutihan. 

Ihanda ang isipan sa pag-intindi sa kahalagahan ng akdang ito na hindi lamang makikita sa mga makulay na karakter at pangyayari, kundi pati na rin sa mga aral na patuloy na nagbibigay-gabay sa mga mambabasa, anuman ang henerasyon. 

Sa pamamagitan ng kwento ng paghahanap sa Ibong Adarna, ipinapakita ang mga mahahalagang pagpapahalaga na nag-uugnay sa kultura at ng bawat tao. Sana ay may mapulot kang aral sa mga mensaheng nais nitong iparating.

Mga Tauhan sa Ibong Adarna. (Edited in Canva)


Ang kwentong ito ay umiikot sa paglalakbay patungo sa mahiwagang ibon na nagdadala ng lunas at pag-asa. Sa gitna ng mga masalimuot ng paglalahad ng mga pagsubok na pinagdaanan ng mga tauhan, mapupulot ang mahahalagang aral na tatatak sa isipan.

Ang kwento ay pinanday ng makukulay na tauhan. Ngunit sa kanilang mga desisyon at pagkilos, masasalamin kaya ang mga isyung nailahad sa kwento na may kaugnayan pa rin sa ating kasalukuyang panahon?

Sa artikulong ito, matutuklasan ang kahalagahan ng koridong ito sa paghubog ng kultura at kaugalian sa pamamagitan ng pagbisita sa bawat tauhan.


{tocify} $title={Table of Contents}

Mga Tauhan sa Ibong Adarna

Ano ang Ibong Adarna?

Ito ay isang korido na pinaniniwalaang isinulat ng tangyag na manunulat na si Jose de la Cruz. Bagama't hindi sigurado ang orihinal na awtor nito, ang kwentong ito ay talagang sumikat sa Pilipinas. Ginawan na rin ng mga pelikula, at nasisilayan rin sa entablado sa pagtatanghal ng moro-moro o komedya.


Ito ay naglalaman ng kwento tungkol sa isang maalamat na ibon - ang ibong Adarna. Ang ibong ito ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Bagama't nakakapagpagaling ng anumang klase ng sakit ang boses nito, ang sinumang madapuan ng kaniya dumi ay nagiging bato.

Upang mas lalong maunawaan ang daloy ng kwento, aking isinulat at binigyang kahulugan ang mga importanteng tauhan sa koridong ito, at ito ay iyong mababasa sa mga susunod na talata.

Ano ang buong pamagat ng Ibong Adarna?

Ang buo nitong pamagat ay "Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania."

Handa ka na bang malaman kung sino-sino ang mga tauhan sa kwentong ito? Kung oo, halina't ating lakbayin ang mundo ng Ibong Adarna at sabay-sabay tayong matuto sa hatid nitong aral.

Mga Tauhan Sa Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna
Isang engkantadong ibon na napakahiwaga ang awit dahil napapagaling nito ang anumang sakit ng sinumang makadinig sa awit niya, ngunit ang sinumang mapatakan ng kanyang dumi ay magiging bato. 

Haring Fernando
Siya ang kilalang hari sa kaharian ng Berbanya. Siya ay iginagalang ng mga mamamayan dahil sa maayos na pamamalakad niya sa kaharian ng Berbanya.

Reyna Valeriana
Siya naman ang asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.  Siya ang tumutulong sa hari sa maayos na pamamalakad sa buong kaharian.

Don Juan
Siya ang pinakamabait na prinsipe. Siya ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang nakakuha sa Ibong Adarna na makakapagpagaling sa sakit ng kanyang ama.

Don Pedro
Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid.  Magiting man siyang ituring ngunit may itinatago naman siyang kasakiman.

Don Diego
Siya naman ang pangalawang anak na palaging nakabuntot sa kapatid niyang si Don Pedro.  Siya’y nalilihis ng landas dahil sa maimpluwensiya niyang kapatid na si Don Pedro.

Ang Ermitanyo
Siya ang matandang nagpayo kay Don Juan tungkol sa mga kailangan niyang gawain para mapasakamay niya ang Ibong Adarna.

Matandang Leproso
Ang matandang nagbigay ng paalala kay Don Juan na makipagkita muna siya sa ermitanyo bago niya tangkahing hulihin ang Ibong Adarna.

Donya Juana
Siya ang prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higanteng nagbabantay sa kanya. Siya ay kapatid din ni Donya Leonora.

Donya Leonora
Siya naman ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas din siya ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong ulo.

Donya Maria Blanca
Ang prinsesa sa kaharian ng Delos Cristal at nagtataglay ng mas makapangyarihang mahika kaysa sa mahika ng kanyang ama na si Haring Salermo.

Haring Salermo
Siya ang Hari at namamahala sa kaharian ng Delos Cristal na may taglay na mahikang itim. Siya ang ama ni Donya Maria Blanca.

Manggagamot
Siya lamang ang tanging nakaalam sa karamdamang tinataglay ng hari sa kaharian ng Berbanya.

Basahin din: Buod ng Bawat Kabanata sa Ibong Adarna, Mga Talasalitaan, at Mga Maikling Pagsusulit
  • Unang Yugto: Buod ng "Ang Kaharian ng Berbanya" (Kabanata 1 ng Ibong Adarna)
  • Ikalawang Yugto: Buod ng "Ang Karamdaman ni Don Fernando" (Kabanata 2 ng Ibong Adarna)
  • Ikatlong Yugto: Buod ng "Ang Paglalakbay ni Don Pedro" (Kabanata 3 ng Ibong Adarna)

Pangwakas


At 'yan ang mga tauhan nito. Pagkatapos niyo itong basahin, may nais lamang akong itanong sa inyo. Sa mga tauhang nabanggit, sino sa palagay niyo ang pinakanagustuhan niyo? Bakit?

Para sagutin ang tanong, mangyaring mag-iwan ng sagot sa comment box para naman mas maging masigla ang ating talakayan. Magkita-kita ulit tayo sa susunod na post.

Pwede niyo ring panuorin sa youtube ang mga tauhan sa Ibong Adarna.

Pwede niyo ring i-download nang libre ang file nito para pwede niyong markahan ng highlighter at ng iba pa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento