Koleksyon ng mga libro tungkol sa iba't ibang bagay at kwento. Ang mga ito ay kapupulutan ng mga aral at impormasyon. Ang litratong ito ay mula sa Unsplash. |
Sa ating buhay na puno ng ganap, may mga salaysay na kapupulutan ng aral. Ang mga maiiksing salaysay na ito ay tinatawag din natin na maikling kwento.
{tocify} $title={Table of Contents}
Marahil ay nakarinig ka nanito noong ikaw ay bata pa dahil bahagi ng ating pagka-Pilipino ang pagkahilig natin sa pagbabasa ng mga maikling kwento.
Upang lalo itong maunawaan, atin ngayong tatalakayin ang kahulugan ng maikling kwento pati na rin ang mga bahagi, sangkap, uri at ilang halimbawa nito.
Ano ang Maikling Kwento?
Mga Uri ng Maikling Kwento
Kwentong Nagsasalaysay
Ang kwentong nagsasalaysay ay may detalyadong pagkukuwento at balanseng estruktura. Maingat na pagplaplano sa bawat detalye ng kwento ang siyang ginawa ng sumulat ng kwento nang sa ganoon ay mabigyan ng linaw at kumpletong larawan ang mga pangyayari.
Kwentong Tauhan
Nakapokus ang kwentong ito sa mga tauhan. Ang mga pangyayayring nagpapakita ng pag-unlad, katangian, at dinamika ng bawat tauhan sa kwento ay masasalamin sa kwentong ito. Dagdag dito, nabibigyang diin rin ang kanilang papel at kahalagahan sa buong salaysay.
Kwentong Pambata
Ang kwentong pambata ay isa ring uri ng maikling kwento kung saan ang itinatampok na mga tema, karakter, at pangyayari ay akma at angkop para sa mga batang mambabasa.
Kuwentong Sikolohiko
Ang maikling kwento na ito ay tumutukoy naman sa malalim na pagsusuri sa isipan at damdamin ng mga tauhan. Layunin ng kwentong ito na maipadama sa mambabasa ang karanasan at damdamin ng mga karakter sa bawat sitwasyon.
Kuwentong Talino
Ang plot ng kwentong talino ay maingat na binuo. Gamit ang isang kumplikadong sitwasyon, ipinapahayag ng may-akda ang katalinuhan at malawak na imahinasyon nito sa pagsusulat.
Kuwentong Katatawanan o Komedya
Ang kwentong katatawanan naman ay nagbibigay-diin saya sa mga mambabasa. Ang takbo ng pangyayari ng kwentong ito ay maaaring hindi tradisyonal. Layunin nitong magbigay aliw at saya sa bawat mambabasa.
Kuwentong Katatakutan at Kababalaghan
Ang layunin ng kwentong ito ay magtampok ng mga nakakatindig-balahibo at kapana-panabik na mga elemento sa mga mambabasa. Ito ay maaaring magtaglay ng mga supernatural o hindi pangkaraniwang pangyayari at mga tauhan.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
Tagpuan
Ang tagpuan o setting sa Ingles ay lugar kung saan naganap ang kwento. Ang tagpuan ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay ng konteksto kung saan nangyayari ang kwento.
Banghay
Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas sa kwento. Ito ang nagbibigay direksyon sa salaysay na siyang nagtatakda sa ritmo nito.
Tauhan
Ang mga tauhan, characters o mga karakter ang siyang nagbibigay ng buhay at kulay sa kwento. Sila ang nagdadala ng aksyon sa bawat pangyayari.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Panimula o Simula
Saglit na Kasiglahan
Suliranin
Kasukdulan
Kakalasan o Wakas
Ang Ama ng Maikling Kuwento
Maikling Kwento Halimbawa
Narito ang isang halimbawa ng maikling kwento sa tagalog tungkol sa dalawang katangian. Pwede ito sa bawat mambabasa lalo na sa mga bata. May laman din itong mensahe na nais iparating.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsusulat ng Maikling Kwento
1. Itala ang mga pangunahing tauhan at i-draft ang gusto mong gawin ng mga ito.
2. Isunod ang ilang detalye na gagawin ng mga tauhan upang maisakatuparan ang nais na mangyari.
3. Kailangan ding isulat ang mga hindi inaasahang pangyayari na siyang magdadagdag na twist o tensyon sa kwento.
4. Huwag kakaligtaan ang mahahalagang detalye ukol sa tagpuan o setting na angkop sa daloy at kalalabasan ng kwento.
5. Itala rin ang gustong mangyari sa kasukdulan ng kwento. Hangga't maaari, kailangang isaalang-alang na magising ang diwa at damdamin ng mga bumabasa sa parteng ito.
6. Kapag ready na ang lahat ng mga nabanggit o ang outline ng kwento, simulan na ang pagsusulat sa kwento. Siguraduhing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng iyong kwento, ngunit huwag itong susubrahan.
7. Huwag kalimutang ihayag ang mga ma-aaksyong kaganapan kagaya ng mga tunggalian, dahil ang mga ito ang siyang nagbibigay buhay at kulay sa kwento.
8. Kailangan ding malinang at maayos na maisagawa ang karakterisasyon. Kailangan itong iapkita, huwag lang basta isulat o sabihin.
9. Ang mga usapan o dayalogo na idadagdag ay dapat na makabuluhan.
10. Pagkatapos isulat, basahing muli at hangga't maaari ay gumawa ng rebisyon.
Pangwakas
Ang maikling kwento ay tunay na yaman sa ating panitikan. Maliban sa mga nabanggit sa ating talakayan, mahalangang pagyamin at pa-usbungin pa ang mga ito upang sa ganoon ay masaksihan rin ng mga susunod pang henerasyon ang mga maikling kwento.
Sana ay may natutunan ka sa ating talakayan ngayon. Maaari mo rin itong ibahagi sa iba mo pang kamag-aral upang matutunan din nila ang karagdagang kaalaman na iyong nabasa at nasaksihan.
0 Mga Komento