Ang natatanging Mayon Volcano ng Pilipinas. Ang litratong ito ay mula sa Unsplash. |
Ang paggamit ng mga angkop na salita ay isang daan upang maipahayag natin nang mas malinaw ang mga ideya, damdamin, at kaisipan. Tunay itong makapangyarihan at mahalaga sa ating buhay. Paano na lamang kaya kung wala ito?
Ano ang talasalitaan?
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Talasalitaan
Pagkadalisay
Itigis
Isinisiwalat
Tatalikdan
Sakbibi
Lumiyag
Mga iba pang salita at kahulugan ng mga ito
Bumabalong – It ay nangangahulugang umaagos.
Halimbawa: Patuloy na bumabalong ang ilog.
Ditsong – Ang ibig sabihin ay usapan.
Halimbawa: Hindi magandang makinig sa ditsong ng mga matatanda.
Duklay – Ito ay may ibig sa sabihin na nakalaylay.
Halimbawa: Dahil sa pagod, Si Pedro ay nakaduklay sa ibabaw ng kahoy na katre.
Gali – Ito naman ay isang paligsahan.
Halimbawa: Sumali sa gali si Justin at siya ang itinanghal na kampeon.
Kahambal-hambal – Ito naman ay kaawa-awa.
Halimbawa: Kahambal-hambal ang sinapit ni Lusita sa kamay na malupit niyang amo.
Kintang – Ito naman ay pahingahan.
Halimbawa: Sa ilalim ng punong mangga ang paboritong kintang ni Juan.
Linggatong – Ang ibig sabihin naman nito ay suliranin.
Halimbawa: Dahil sa hirap ng buhay, maraming linggatong ang kailangang suungin ni Carmela.
Legwas – Ang katumbas nito ay isang metro.
Halimbawa: Halos isang legwas ang inabot ng baha sa bahay nina Reynabel.
Mawakawak – mapahamak
Halimbawa: Huwag kang magpapagabi at baka ika'y mawakawak lalo pa't maraming lasenggo sa lansangan.
Malawig – matagal
Halimbawa: Malawig na naghintay si Jake sa pinag-usapang lugar.
Maniig – Ito ay nakasanayan.
Halimbawa: Hindi madali para kay Cassy na maniig sa napakalamig na klima ng ibang bansa.
Nananaw – Ito naman ay nawala.
Halimbawa: Bigla na lamang nananaw ang papel na kani-kanina'y hawak ni Axel.
Piping gulo – Ito ay usap-usapan.
Halimbawa: Piping-gulo ngayon sa palengke ang nangyaring nakawan kanina sa pwesto ni Mareng Marites.
Sasalitin – Ibig nitong sabihin na isasalaysay.
Halimbawa: Sasalitin ni Yezza ang buong kwento.
Tumok – Ito ay isang kagubatan.
Halimbawa: Nagpunta sa tumok ang magkakaibigang sina Lukas, Carlos at Pedrito.
0 Mga Komento