Isa ang mitolohiya sa mga usaping tinatalakay sa paaralan. Maging sa Pilipinas ay may tinatawag din na mitolohiya na pinaniniwalaan ng ating mga ninuno bago pa sinakop ang bansa ng mga dayuhan. Sa talakayang ito, ang ating pag-uusapan ay ang mga diyos at diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano.
{tocify} $title={Table of Contents}
Mga diyos at diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
Marahil ay may napanood ka nang pelikula tungkol sa mga diyos at diyosa. Isa sa pinakasikat na halimbawaay ang Clash of the Titans. Pero sino nga ba ang mga tinatawag na diyos at diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano?
Saan sila matatagpuan batay sa mitolohiya?
Ayon sa sinaunang Griyego, naniniwala sila na ang mga diyos at diyosa ay naninirahan sa isang lugar kung saan tinatawag na Mount Olympus.
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ano ang Mount Olympus?
Ang Mount Olympus ay tinaguriang banal na tahanan ng mga pinakamakapangyarihang mga diyos at diyosa. Pinaniniwalaan din ng mga Griyego na ito ang pinakamataas na lugar sa mundo.
Dito matatagpuan sina Zeus at ang iba pang mga diyos at diyosa.
Sino-sino ang mga diyos at diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
1. Zeus/Jupiter
2. Hera/Juno
3. Poseidon/Neptune
4. Hades/Pluto
5. Ares/Mars
6. Apollo/Apollo
7. Athena/Minerva
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Katangian at Kapangyarihan ng mga diyos at diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
1. Hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon. Tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako.
2. Reyna ng mga diyos. Tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa. Asawa ni Zeus/Jupiter.
3. Kapatid ni Zeus/Jupiter. Hari ng karagatan at lindol.
4. Kapatid din ni Zeus/Jupiter. Panginoon ng impyerno.
5. Siya and diyos ng digmaan. Buwitre ang ibong maiuugnay.
6. Siya naman ang diyos ng propesiya, liwanag, araw at panulaan. Siya ay diyos din ng salot at paggaling. Dolpin at uwak ang simbolo.
7. Siya ang diyosa ng karunungan. digmaan at katusuhan. Kuwago ang ibong maiuugnay.
Pangwakas
Ang Mitolohiyang Griyego at Romano ay itinuturing na isang yaman na bahagi ng kultura't kasaysayan ng mga Griyego at Romano.
Sa pag-aaral ng mga ito, nabubuhay ang mga kwento ng mga diyos at diyosa na nagsilbi bilang mga modelo ng katapangan, karunungan, kagandahan, at kapangyarihan sa sinaunang panahon.
Ang mganda din dito ay may mga aral ding mapupulot. Sana ay may natutunan ka sa talakayang ito.
0 Mga Komento