Bilang pagpupugay sa dakilang makata na si Francisco "Balagtas" Baltazar, ating balikan ang isa sa mga makasaysayang akda nito ngayong Abril, na buwan rin ng kaniyang kapanganakan.
Si Balagtas ay isang malaking pangalan sa larangan ng panitikan sa Pilipinas, at ang kaniyang mga akda ay patuloy na umaalingawngaw sa mabuting paraan sa kasalukuyan. Sa kanyang mga sinulat, kapupulutan ang mga ito ng inspirasyon at gabay sa mga mambabasa hanggang ngayon.
![]() |
Si Florante at Laura. (Edited in Canva) |
Patuloy itong nananatili bilang isa sa mga mahahalagang yaman ng Panitikang Filipino. Anumang panahon, ating pahalagahan hindi lamang ang kanyang kontribusyon sa panitikan, kundi pati na rin ang kanyang walang kapantay na pagmamahal sa wika at kultura ng Pilipinas.
Upang mas makilala natin siya, ang pagsuri sa kaniyang akda ay isang magandang simula. Tayo ay maglalakbay patungo sa masalimuot ngunit makulay na mundo ng mga tauhan na bumubuo sa kwento.
![]() |
Iginuhit na larawan ni Francisco "Balagtas" Baltazar (Image Credit: Wikimedia Commons) |
{tocify} $title={Table of Contents}
Ang Florante at Laura ay hindi lamang isang kwento ng pag-ibig kung hindi isang salamin ng masalimuot na lipunan noong panahon ng mga Kastila.
Sa pamamagitan ng malalim na mga simbolismo at angking kagalingan sa pagkakasulat, ating nadamag at nasilayan sa kwento ang iba't ibang elemento. Ito ay dahil na rin sa pag-iral ng wagas na pag-ibig at pag-asa sa gitna ng pagtataksil at masalimuot na lipunan.
Mga Pangunahing Tauhan sa Florante at Laura

Florante
Siya ang isa sa pangunahing bida, siya ay anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca at ang kabiyak ni Laura.

Laura
Siya ang prinsesa ng Albanya at kabiyak ni Florante. Siya ay anak din ni Haring Linceo.
Basahin din:
Iba Pang Tauhan sa Florante at Laura

Flerida
Siya naman ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang ama na si Sultan Ali-Adab.

Aladin
Siya naman ang gererong moro na kasintahan ni Flerida at anak ni Sultan Ali-Adab na karibal niya sa puso ni Flerida.

Konde Adolfo
Siya ang mortal na kaaway ni Florante, ang kontrabida sa buong kwento at anak ni Konde Sileno.

Sultan Ali-Adab
Siya naman ang kilalang malupit na ama ni Aladin at karibal ni Aladin sa puso ni Flerida.

Heneral Miramolin
Siya ay nagmula sa Turkiya at kinikilalang pinuno ng mananakop sa kaharian ng Albanya.

Heneral Osmalik
Siya naman ang kilalang heneral ng Persia na lumaban sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.

Antenor
Siya naman ay isang guro sa Atenas na amain ni Menandro.

Menalipo
Siya ang pinsan ni Florante na nagligtas sa buhay nito noong sanggol pa lamang siya.
Ang bawat isa sa mga tauhang ito ay may kanya-kanyang natatanging papel na ginampanan sa kwento.
Bagama't ang ilan sa mga ito ay kontrabida na maaari mong kainisan, ang kabuuan ng kwento ay kapupulutan naman ng napakaraming aral at mensahe.
Ang mga aksyon, desisyon, at interaksyon ng bawat tauhan ay nagdadala ng flavor na mas lalong nagbigay ng kulay sa daloy ng kwento.
Mga Temang Pinalalim
Sa Florante at Laura, maraming tema ang masasalamin. Ang mga pangunahing tema ay pag-ibig, pag-asa, at paghihiganti. Ang mga ito ay nagbigay ng karagdagang kulay at mga komplikadong sitwasyon sa pagitan ng mga tauhan.
Pag-ibig
Ang pag-ibig ang siyang nagsilbing lakas at inspirasyon nina Florante at Laura sa pagharap ng mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.
Pag-asa
Sa kabila ng mga pagsubok, ang pag-asa ay nananatiling buhay sa puso ng bawat tauhan, lalo na kay Florante at Laura.
Paghihiganti
Ang tema ng paghihiganti ay masasalamin din sa kwento. Ito ay nagdagdag ng tense sa takbo ng kwento.
Pangwakas
Ang pagkilala sa mga tauhan sa akdang Florante at Laura ni Francisco "Balagtas" Baltazar ay hindi lamang simpleng paggunita sa kaarawan niya. Ito ay isang paraan din nang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang kontribusyon sa larangan ng panitikan saPilipinas.
Ang kwentong ito ay tunay na makulay na paglalakbay sa pag-usbong ng pag-ibig at pag-asa sa harap ng mga pagsubok at paghihirap. Patuloy itong payabungin dahil ito ay mahalagang bahagi ng ating kultura.
0 Mga Komento